Sunday, 12 February 2012

ANO MAHIRAP..

            PAGGAGAWA NG          O        PAGLALAPAT NG
                      TULA                            NOTA


               Maraming nagtatalo kung anong mas mahirap gawin, paggawa ng tula o pagpapatong ng nota? Iba't ibang komento rin ang ating maririnig na tila makabutas pader ang usapan ukol dito.  Maraming sang-ayon na mas madali ang paggawa ng tula kaysa sa pagpapatong dito ng nota. Marami rin naman na nadadalian sa pagpapatong ng nota kesa sa paggawa ng tula. Ayon sa aking pananaliksik sa aming silid-aralan, 6 sa 10 kamag-aral ko ang nadadalian sa paggawa ng tula at 4 naman sa 10 ang nadadalian sa pagpapatong ng nota.

TULA
by. Pag Aco

Gamit ang isang papel at isang matintang pluma
Kasama ang isip, puso, damdamin at iyong diwa
Samahan pa ng malawak na imahinasyo't nasa
Ay makakagawa ka na ng marikit na tula

Sa tula umaagos ang matatamis na salita
Na siyang gamit ni Adan sa paghayag ng pagsinta
Sa tula rin nabantog ang mga dakilang makata
Na tinula at binigkas ng magaling nilang dila

Tula ang bumatikos sa gabundok na maling gawa
Sinulat ng mga taong may katwirang bayan muna
Isiniwalat maraming iringan at anomalya
Na ang gobyerno pala ang lahat ng may gawa't likha

Ang iba pang tula ay sa mga pantas na may akda
Nang maimprenta't nabasa'y tinangkilik ng madla
Ang sining pa nitong tula ay maganda at payapa
Hangga ngayo'y ispirasyon ng maraming kababata

Tula rin minsang naging isang mabisang kandila
Sa alinlanga'y nagbigay ng liwanag at pag-asa
Nagpatatag, nagpalakas sa damdaming nanghihina
At nangakong di na muling matitribag at luluha

Iisa lamang ang pinag-uugatan nitong tula
Ito ay pusong nalumbay at ang hangad ay ginhawa
Na kaya nga naisipang isulat at ikatha
Upang sa libong tiisin ay bilisang makawala.

               Iyang nasa taas ay isang halimbawa ng isang tula. Iyan ay gawa ng isa sa aking mga kamag-aral na itago na lamang natin sa pangalang Pag Aco. Kung ating titignan ay mahirap itong gawin ngunit kapag tayo'y nakagawa na ay lubhang kay sarap sa pakiramdam. Kapag din tayo nakababasa ng isang tula ay para tayong nasa langit na walang ulap. Masarap din pakinggan kapag tayo ay binabasahan o ginawa ng tula ng ating mga sinisinta. Hindi naman talaga mahirap gumawa ng tula kung ito ay hilig mo. May nagbigay din sa amin ng tip sa paggawa ng tula at ito ay ang aking guro sa sekondarya. Dapat raw, ang unang step para sa paggawa ng tula ay unahin muna ang hulihan nito. Pano iyon? Sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga salita na magkakaugnay hindi lang sa kahulugan pati na sa pagkakapareho ng tunog nito sa hulihan.



               Ito ay isang halimabawa ng nota na ginawa ni Kari Henrik Juusela noong 1987 na kung ating titignan ay napakahirap gawin at pati narin intindihin. Ito ay lalong nagpapaganda sa isang buhay. Sabi ng ilan, tayo raw ay hindi mabubuhay ng walang nota o himig sapagkat kung inyong oobserbahan ang ating kapaligiran ay lahat ng bagay dito sa mundo ay binubuo ng tunog na kinakailangan sa paglalapat ng nota. Sabi rin ng iba, Malaki ang nakasalalay sa himig ng nota sapagkat hindi matatangkilik ang isang kanta kung hindi maganda ang himig nito kahit na maganda ang ibig sabihin ng mga linyang bumubuo dito. Ang mga nota daw ay mahirap ilapat sapagkat konting mali lamang ay mawawala lahat ng pinaghirapan mo sapagkat hindi ito papansinin nino man.

               Kapag pinagsama natin ang tula at ang nota, diyan pumapasok ang kanta na kung san ang sarap sa tainga lalo na kung ang tulang ginamit dito ay maganda at ang nota ay ang makinis sa pakiramdam. Ngunit, ano ba talaga ang mahirap gawin? tula o nota? Para sa akin, ang mahirap gawin ay ang pagpapatong ng nota sa tula dahil ang tula, basta may paksa ka lang at mayroon kang mga salita sa hulihan na magkakaparehas ng tunog o letra sa hulihan, ito ay ayos na. Ang nota, ito ay kailangan mo pang pakinggan ng paulit-ulit kapag nagawa mo na upang malaman mo kung ito'y maganda. Ngunit, kung ang kagandahan ang pag-uusapan,maganda ang tula ngunit mas maganda ang pagpapatong ng nota sapagkat alam naman natin na sa nota nakasalalay ang isang tula na magiging kanta sa pamamagitan nito.

               Kayo, para sa inyo, ano ang mas madaling gawin, paggawa ng tula o pagpapatong ng nota? Alam ko may opinyon din kayo ukol dito. Kung meron, libre lang namang maglagay ng komento dito sa blog na pinaghirapan ko.

           MARAMING SALAMAT PO!!! 













-crISzEn ISz OwNlIh meii:))
                                                                                  o7_o23 

No comments:

Post a Comment